Biyernes, Oktubre 3, 2014

Trying out MALDITA BLEACH... what to expect??

Posted by Alex Reyes on 6:24 AM with 11 comments
So yeah... I will be trying this ohh so popular "Maldita Bleach" on the market. Sa totoo lang, i really don't know what to expect. I have this hairy legs kasi tapos meron din ako nung peklat, alam nyo yun? Yung tinatawag nilang "barya" tuwing bata pa? Na-allergy kasi ako before, tapos kinamot ko ng kinamot yung mga pantal hanggang sa naging ganun, hindi na natanggal tanggal, EVER!! Well sabi nga nila, "TIIS GANDA" ahahaha. I would literally try everything just to make this stubborn peklats removed.


okay, so yeah, this is what it looks like..


For only P200 each, makakakuha ka ng isang tub nito which is already good daw for 1 week. Anyways, 7 days nga lang daw pala, makikita mo na yung pagbabago dun sa part na nilagyan mo. Sounds tempting right? Plus, isa pa sa nagagawa nya is para daw ginagawang white yung mga hairs dun sa part na yun tapos matatanggal sya and tutubo ng panibago which is really good for me. Yun kasing hairs ko sa legs, naging ganun lang itsura nya nung nag shave ako when I was in grade 2. Believe it or not, lol. Natuwa kasi ako before dun sa shave, yung tipong isang kaskas mo lang nung pang shave, biglang nawawala yung buhok, manghang mangha ako sa kanya before kaya yun, shinave ko ang buong legs ko which is pinagsisisihan ko ngayon -_-

Moving on, Isa pa sa magandang effects ng maldita bleach is nakakatanggal din sya ng stretch marks, na meron ako. Diba, 4 in 1 ang peg? Tanggal ang hairs, tanggal ang peklat, nakakaputi tapos nakakatanggal pa ng STRETCH MARKS!! And for only P200? Sino bang hindi mate-tempt na bumili. LOL

okay, ganito sya gamitin.

And of course, gagawan ko to ng review, after kong gamitin for 7 days. Everyday, magpi-picture ako para makita nyo yung mga pagbabago if ever man. Excited ako na parang ewan, excited kasi baka nga matanggal na tong matagal na matagal ko ng problema and on the other hand, kinakabahan kasi baka kung anong gawin nitong masama sa balat ko. LOL. But I'm still hoping for the best.

ANYWAYS, dun sa mga gustong bumili.. ingat din tayo sa FAKE :) baka imbis na gumanda kutis nyo e magmukha yang papel di liha.. HAHAHAHA